21At wala ring ibang tao na tulad ng inyong mga mamamayang Israelita. Ang bansang ito lamang sa mundo ang inyong pinalaya mula sa pagkaalipin upang maging mamamayan ninyo. Naging tanyag ang pangalan nʼyo dahil sa kadakilaan at kamangha-manghang ginawa nʼyo nang itinaboy nʼyo ang mga bansa sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan na inilabas nʼyo sa Ehipto.
22Ginawa nʼyong sariling mamamayan ang mga Israelita magpakailanman, at kayo, Panginoon, ang kanilang naging Diyos.
23“At ngayon, Panginoon, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa aking pamilya. Nawaʼy ang pangakong ito ay magtatagal magpakailanman.
24Kapag magkatotoo ang inyong pangako, kayo ay kikilalanin at dadakilain magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo ang Diyos ng Israel, ay siyang Diyos ng Israel!’ At ang pamilya koʼy magpapatuloy sa paglilingkod sa inyong presensya magpakailanman.
25“Malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito aking Diyos, dahil ipinahayag ninyo sa akin na inyong lingkod na magpapatuloy ang aking paghahari sa pamamagitan ng aking angkan.