1 Mga Cronica 17

“Sabihin mo pa kay David na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi, ‘Tagapagbantay ka noon ng mga tupa, pero pinili kita upang mamuno sa mga mamamayan kong Israelita.

1 Chronicles 17:7 (UKJV) Now therefore thus shall you say unto my servant David, Thus says the LORD of hosts, I took you from the sheepcote, even from following the sheep, that you should be ruler over my people Israel:

5Hindi pa ako nakakatira sa isang bahay mula noong inilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto hanggang ngayon. Palipat-lipat ang tinitirhan kong tolda.

6Sa aking paglipat-lipat kasama ng mga mamamayan kong Israelita, hindi ako nagreklamo sa mga pinunong inutusan kong mag-alaga sa kanila, kung bakit hindi nila ako ipinagpapatayo ng bahay na gawa sa sedro.’

7“Sabihin mo pa kay David na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi, ‘Tagapagbantay ka noon ng mga tupa, pero pinili kita upang mamuno sa mga mamamayan kong Israelita.

8Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at nilipol ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo.

9Binigyan ko ng sariling lupain ang mga mamamayan kong Israelita, upang may sarili silang tirahan at wala nang gagambala sa kanila. Hindi na sila aapihin ng masasamang tao gaya nang dati,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.