1 Mga Cronica 17

Hindi pa ako nakakatira sa isang bahay mula noong inilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto hanggang ngayon. Palipat-lipat ang tinitirhan kong tolda.

1 Chronicles 17:5 (UKJV) For I have not dwelt in an house since the day that I brought up Israel unto this day; but have gone from tent to tent, and from one tabernacle to another.

3Ngunit nang gabing iyon sinabi ng Diyos kay Natan,

4“Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Hindi ikaw ang magpapatayo ng bahay na aking titirhan.

5Hindi pa ako nakakatira sa isang bahay mula noong inilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto hanggang ngayon. Palipat-lipat ang tinitirhan kong tolda.

6Sa aking paglipat-lipat kasama ng mga mamamayan kong Israelita, hindi ako nagreklamo sa mga pinunong inutusan kong mag-alaga sa kanila, kung bakit hindi nila ako ipinagpapatayo ng bahay na gawa sa sedro.’

7“Sabihin mo pa kay David na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi, ‘Tagapagbantay ka noon ng mga tupa, pero pinili kita upang mamuno sa mga mamamayan kong Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.