1 Mga Cronica 17

“Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Hindi ikaw ang magpapatayo ng bahay na aking titirhan.

1 Chronicles 17:4 (UKJV) Go and tell David my servant, Thus says the LORD, You shall not build me an house to dwell in:

2Sumagot si Natan kay David, “Gawin mo ang gusto mong gawin dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.”

3Ngunit nang gabing iyon sinabi ng Diyos kay Natan,

4“Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Hindi ikaw ang magpapatayo ng bahay na aking titirhan.

5Hindi pa ako nakakatira sa isang bahay mula noong inilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto hanggang ngayon. Palipat-lipat ang tinitirhan kong tolda.

6Sa aking paglipat-lipat kasama ng mga mamamayan kong Israelita, hindi ako nagreklamo sa mga pinunong inutusan kong mag-alaga sa kanila, kung bakit hindi nila ako ipinagpapatayo ng bahay na gawa sa sedro.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.