11Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na nasamsam niya mula sa mga sumusunod na bansa: ang Edom, Moab, Amon, Filistia at Amalek.
12Si Abisai na anak ni Zeruias ay nakapatay ng labingwalong libong Edomita sa Lambak ng Asin.
13Naglagay si David ng mga kampo sa Edom at naging sakop niya ang lahat ng Edomita. Pinagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumunta upang makipaglaban.
14Naghari si David sa buong Israel, na gumagawa ng matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya.
15Si Joab na anak ni Zeruias ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehosafat na anak ni Ahilud ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.