1 Mga Cronica 18

Si Joab na anak ni Zeruias ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehosafat na anak ni Ahilud ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.

1 Chronicles 18:15 (UKJV) And Joab the son of Zeruiah was over the host; and Jehoshaphat the son of Ahilud, recorder.

13Naglagay si David ng mga kampo sa Edom at naging sakop niya ang lahat ng Edomita. Pinagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumunta upang makipaglaban.

14Naghari si David sa buong Israel, na gumagawa ng matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya.

15Si Joab na anak ni Zeruias ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehosafat na anak ni Ahilud ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.

16Si Sadoc na anak ni Ahitob at si Abimelec na anak ni Abiatar ang mga pari. Ang kalihim ay si Savsa.

17Si Benaias na anak ni Joiada ang pinuno ng mga Kereteo at Peleteo. At ang mga punong opisyal ni David ay ang kanyang mga anak na lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.