14Naghari si David sa buong Israel, na gumagawa ng matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya.
15Si Joab na anak ni Zeruias ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehosafat na anak ni Ahilud ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.
16Si Sadoc na anak ni Ahitob at si Abimelec na anak ni Abiatar ang mga pari. Ang kalihim ay si Savsa.
17Si Benaias na anak ni Joiada ang pinuno ng mga Kereteo at Peleteo. At ang mga punong opisyal ni David ay ang kanyang mga anak na lalaki.