2Natalo rin ni David ang mga Moabita, at sinakop niya sila at nagbayad sila ng buwis sa kanya.
3Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, hanggang doon sa Hamat, noong naglakbay si Hadadezer sa pagsakop sa mga lupaing malapit sa Ilog Eufrates.
4Naagaw nina David ang isang libo niyang karwahe, pitong libong mangangarwahe, at dalawampung libong sundalo. Pinilayan nina David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe maliban lang sa isandaang itinira nila.
5Nang dumating ang mga Arameo mula sa Damasco upang tulungan si Haring Hadadezer, pinatay nina David ang dalawampuʼt dalawang libo sa mga ito.
6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damasco, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David kahit saang labanan siya magpunta.