1 Mga Cronica 18

Nang dumating ang mga Arameo mula sa Damasco upang tulungan si Haring Hadadezer, pinatay nina David ang dalawampuʼt dalawang libo sa mga ito.

1 Chronicles 18:5 (UKJV) And when the Syrians of Damascus came to help Hadarezer king of Zobah, David slew of the Syrians two and twenty thousand men.

3Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, hanggang doon sa Hamat, noong naglakbay si Hadadezer sa pagsakop sa mga lupaing malapit sa Ilog Eufrates.

4Naagaw nina David ang isang libo niyang karwahe, pitong libong mangangarwahe, at dalawampung libong sundalo. Pinilayan nina David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe maliban lang sa isandaang itinira nila.

5Nang dumating ang mga Arameo mula sa Damasco upang tulungan si Haring Hadadezer, pinatay nina David ang dalawampuʼt dalawang libo sa mga ito.

6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damasco, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David kahit saang labanan siya magpunta.

7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.