1 Mga Cronica 19

Si Abisai naman na kanyang kapatid ang pinamuno niya sa mga natitirang sundalo sa pakikipaglaban sa mga Amonita.

1 Chronicles 19:11 (UKJV) And the rest of the people he delivered unto the hand of Abishai his brother, and they set themselves in array against the children of Ammon.

9Pumwesto ang mga Amonita sa pakikipaglaban sa may pintuan ng kanilang lungsod, habang ang mga hari na sumáma sa kanila ay pumuwesto sa kapatagan.

10Nang makita ni Joab na may mga kalaban sa harap nila at likuran, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo ng Israel, at pinamunuan niya ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga Arameo.

11Si Abisai naman na kanyang kapatid ang pinamuno niya sa mga natitirang sundalo sa pakikipaglaban sa mga Amonita.

12Sinabi ni Joab, “Kung makikita mo na parang matatalo kami ng mga Arameo, tulungan ninyo kami, pero kung kayo naman ang parang matatalo ng mga Amonita, tutulungan namin kayo.

13Magpakatatag tayo at buong tapang na makipaglaban para sa ating mga mamamayan at mga lungsod ng ating Diyos. Gagawin ng Panginoon kung ano ang mabuti para sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.