1 Mga Cronica 19

Pumwesto ang mga Amonita sa pakikipaglaban sa may pintuan ng kanilang lungsod, habang ang mga hari na sumáma sa kanila ay pumuwesto sa kapatagan.

1 Chronicles 19:9 (UKJV) And the children of Ammon came out, and put the battle in array before the gate of the city: and the kings that were come were by themselves in the field.

7Ang bilang ng mga karwahe at mga mangangarwahe ay tatlumpuʼt dalawang libo. Sumama rin sa kanila ang hari ng Maaca at ang mga sundalo nito. Nagkampo sila malapit sa Medeba. At naghanda rin ang mga Amonita at lumabas sa bayan nila upang makipaglaban.

8Nang mabalitaan ito ni David, isinugo niya si Joab at ang lahat ng matatapang na sundalo upang labanan sila.

9Pumwesto ang mga Amonita sa pakikipaglaban sa may pintuan ng kanilang lungsod, habang ang mga hari na sumáma sa kanila ay pumuwesto sa kapatagan.

10Nang makita ni Joab na may mga kalaban sa harap nila at likuran, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo ng Israel, at pinamunuan niya ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga Arameo.

11Si Abisai naman na kanyang kapatid ang pinamuno niya sa mga natitirang sundalo sa pakikipaglaban sa mga Amonita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.