5Sa ganoong kalagayan, nahihiya silang umuwi dahil sa kanilang itsura. At nang mabalitaan ni David ang nangyari, nagsugo siya ng mga mensahero para sabihin sa mga opisyal niya na manatili muna sila sa Jerico hanggang sa tumubo na ang mga balbas nila. Pagkatapos, maaari na silang umuwi.
6Napag-isip-isip ng mga Amonita na ginalit nila si David. Kaya nagbayad sila ng tatlumpuʼt limang toneladang pilak para umupa ng mga karwahe at mga mangangarwahe mula sa Aram-naharaim, Aram-maaca at Zoba.
7Ang bilang ng mga karwahe at mga mangangarwahe ay tatlumpuʼt dalawang libo. Sumama rin sa kanila ang hari ng Maaca at ang mga sundalo nito. Nagkampo sila malapit sa Medeba. At naghanda rin ang mga Amonita at lumabas sa bayan nila upang makipaglaban.
8Nang mabalitaan ito ni David, isinugo niya si Joab at ang lahat ng matatapang na sundalo upang labanan sila.
9Pumwesto ang mga Amonita sa pakikipaglaban sa may pintuan ng kanilang lungsod, habang ang mga hari na sumáma sa kanila ay pumuwesto sa kapatagan.