1 Mga Cronica 19

Nang mabalitaan ito ni David, isinugo niya si Joab at ang lahat ng matatapang na sundalo upang labanan sila.

1 Chronicles 19:8 (UKJV) And when David heard of it, he sent Joab, and all the host of the mighty men.

6Napag-isip-isip ng mga Amonita na ginalit nila si David. Kaya nagbayad sila ng tatlumpuʼt limang toneladang pilak para umupa ng mga karwahe at mga mangangarwahe mula sa Aram-naharaim, Aram-maaca at Zoba.

7Ang bilang ng mga karwahe at mga mangangarwahe ay tatlumpuʼt dalawang libo. Sumama rin sa kanila ang hari ng Maaca at ang mga sundalo nito. Nagkampo sila malapit sa Medeba. At naghanda rin ang mga Amonita at lumabas sa bayan nila upang makipaglaban.

8Nang mabalitaan ito ni David, isinugo niya si Joab at ang lahat ng matatapang na sundalo upang labanan sila.

9Pumwesto ang mga Amonita sa pakikipaglaban sa may pintuan ng kanilang lungsod, habang ang mga hari na sumáma sa kanila ay pumuwesto sa kapatagan.

10Nang makita ni Joab na may mga kalaban sa harap nila at likuran, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo ng Israel, at pinamunuan niya ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga Arameo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.