16Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruias at Abigail. Si Zeruias ay may tatlong anak na lalaki na sina Abisai, Joab at Asahel.
17Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ismaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.
18Ang anak ni Hezron na si Caleb ay may mga anak sa asawa niyang si Azuba na tinatawag ding Jeriot. Ang kanyang mga anak na lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon.
19Pagkamatay ni Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata at nagkaanak sila ng lalaki na si Hur.
20Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel.