1 Mga Cronica 2

Pagkamatay ni Hezron sa Caleb-efrata, isinilang ng kanyang asawang si Abias ang kanilang anak na si Asur na siyang ama ni Tekoa.

1 Chronicles 2:24 (UKJV) And after that Hezron was dead in Calebephratah, then Abiah Hezron's wife bare him Ashur the father of Tekoa.

22Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng dalawampuʼt tatlong bayan sa Gilead.

23(Ngunit dumating ang panahon na inagaw nina Gesur at Aram ang mga bayan ni Jair at ang Kenat, pati ang animnapung bayan sa paligid nito.) Silang lahat ang angkan ni Maquir na ama ni Gilead.

24Pagkamatay ni Hezron sa Caleb-efrata, isinilang ng kanyang asawang si Abias ang kanilang anak na si Asur na siyang ama ni Tekoa.

25Ang mga lalaking anak ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron ay sina Ram na panganay, ang mga sumunod na sina Buna, Orem, Ozem at Ahias.

26Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.