24Pagkamatay ni Hezron sa Caleb-efrata, isinilang ng kanyang asawang si Abias ang kanilang anak na si Asur na siyang ama ni Tekoa.
25Ang mga lalaking anak ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron ay sina Ram na panganay, ang mga sumunod na sina Buna, Orem, Ozem at Ahias.
26Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam.
27Ang mga lalaking anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Equer.
28Ang mga lalaking anak ni Onam ay sina Samai at Jada. Ang mga lalaking anak ni Samai ay sina Nadab at Abisur.