28Ang mga lalaking anak ni Onam ay sina Samai at Jada. Ang mga lalaking anak ni Samai ay sina Nadab at Abisur.
29Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail. Ang kanilang anak na lalaki ay sina Ahban at Molid.
30Ang mga lalaking anak ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.
31Ang lalaking anak ni Apaim ay si Isi. Si Isi ang ama ni Sesan at si Sesan ang ama ni Ahlai.
32Ang mga lalaking anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak.