31Ang lalaking anak ni Apaim ay si Isi. Si Isi ang ama ni Sesan at si Sesan ang ama ni Ahlai.
32Ang mga lalaking anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak.
33Ang mga lalaking anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Silang lahat ang angkan ni Jerameel.
34Walang anak na lalaki si Sesan kundi puro babae. May alipin siyang Ehipsiyo na ang pangalan ay Jarha.
35Ibinigay ni Sesan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai.