2Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Asher.
3May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na isang Cananeo. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.
4May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Peres at Zera. Lima lahat ang lalaking anak ni Juda.
5Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul.
6Ang mga lalaking anak ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Lima silang lahat na anak ni Zera.