1 Mga Cronica 2

May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na isang Cananeo. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.

1 Chronicles 2:3 (UKJV) The sons of Judah; Er, and Onan, and Shelah: which three were born unto him of the daughter of Shua the Canaanitess. And Er, the firstborn of Judah, was evil in the sight of the LORD; and he slew him.

1Ang mga lalaking anak ni Israel ay sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun,

2Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Asher.

3May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na isang Cananeo. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.

4May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Peres at Zera. Lima lahat ang lalaking anak ni Juda.

5Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.