42Ang panganay na lalaking anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresa na ama ni Hebron.
43Ang mga lalaking anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Requem at Sema.
44Si Sema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorqueam. Si Requem ang ama ni Samai,
45si Samai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet-sur.
46Ang asawang alipin ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gasez. Si Haran ang ama ni Gasez.