49Si Saaf na ama ni Madmana at Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.
50Ito lahat ang angkan ni Caleb. Ang mga anak ni Hur na panganay na lalaking anak ni Caleb kay Efrata ay sina Sobal na nagtatag ng Kiriat-jearim,
51si Salma na nagtatag ng Bethlehem, at si Haref na nagtatag ng Bet-gader.
52Ang angkan ni Sobal na nagtatag ng Kiriat-jearim ay ang mga Haroe, ang kalahati ng mga naninirahan sa Menuho,
53at ang angkan ni Kiriat-jearim ay ang mga Itrita, Putita, Sumatita at Misraita. Sila ang pinagmulan ng mga Zorita at mga Estaolita.