1Pagsapit ng tagsibol ng taóng iyon, ang panahong karaniwang nakikipagdigma ang mga hari, hindi sumáma si David at nagpaiwan siya sa Jerusalem. Si Joab ang nanguna sa mga sundalo sa mga matagumpay na pakikipaglaban. Winasak nila ang lupain ng mga Amonita at pinalibutan ang Rabba hanggang sa malipol ito.
2Pumunta si David sa Rabba at kinuha ang gintong korona sa ulo ng hari ng mga Amonita, at inilagay niya ito sa kanyang ulo. Ang bigat ng korona na may mamahaling bato ay tatlumpuʼt limang kilo. Marami pang bagay ang nasamsam ni David sa lungsod na iyon.
3Ginawa niyang alipin ang mga mamamayan doon at pinagtrabaho, gamit ang lagare, piko, at palakol. Ito ang ginawa ni David sa mga naninirahan sa lahat ng bayan ng mga Amonita. Pagkatapos, umuwi si David at ang lahat ng sundalo niya sa Jerusalem.