17Si Eliezer ay may kaisa-isang anak na lalaki, si Rehabias na pinakapinuno rin ng kanilang pamilya. Marami ang mga angkan ni Rehabias.
18Ang isa sa mga lalaking anak ni Izar ay si Zelomit na pinakapinuno ng kanilang pamilya.
19Ang mga lalaking anak ni Hebron ay sina Jerias na pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecamiam ang ikaapat.
20Ang mga lalaking anak ni Uziel ay sina Micas na pinakapinuno ng kanilang pamilya, at Isaias ang pangalawa.
21Ang mga lalaking anak ni Merari ay sina Mahli at Musi. Ang mga lalaking anak ni Mahli ay sina Eleazar at Kish.