1Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron: Ang mga lalaking anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
2Ngunit unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari.
3Sa tulong nina Sadoc na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin.