1 Mga Cronica 24

Sa tulong nina Sadoc na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin.

1 Chronicles 24:3 (UKJV) And David distributed them, both Zadok of the sons of Eleazar, and Ahimelech of the sons of Ithamar, according to their offices in their service.

1Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron: Ang mga lalaking anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

2Ngunit unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari.

3Sa tulong nina Sadoc na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin.

4Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa labing-anim na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar.

5Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, sapagkat may mga opisyal ng Templo na naglilingkod sa Diyos mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.