2Ngunit unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari.
3Sa tulong nina Sadoc na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin.
4Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa labing-anim na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar.
5Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, sapagkat may mga opisyal ng Templo na naglilingkod sa Diyos mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.
6Si Semaias na anak ni Netanel na Levita ang tagasulat. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Sadoc na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.