19Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa bahay ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
20Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi: Mula sa angkan ni Amram: si Subael. Mula sa angkan ni Subael: si Jehedias.
21Mula sa angkan ni Rehabias: si Isaias, ang pinuno.
22Mula sa angkan ni Izar: si Zelomot. Mula sa angkan ni Zelomot: si Jahat.
23Mula sa angkan ni Hebron: si Jerias ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jecamiam ang ikaapat.