5Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, sapagkat may mga opisyal ng Templo na naglilingkod sa Diyos mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.
6Si Semaias na anak ni Netanel na Levita ang tagasulat. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Sadoc na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.
7Ang unang nabunot ay si Jehoiarib, ang ikalawa ay si Jedaias,
8ang ikatlo ay si Harim, ang ikaapat ay si Seorim,
9ang ikalima ay si Malaquias, ang ikaanim ay si Mijamin,