9Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak, labindalawa sila. Ang ikalawa ay si Gedalias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
10Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
11Ang ikaapat ay si Zeri at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
12Ang ikalima ay si Netanias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
13Ang ikaanim ay si Bukias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.