1 Mga Cronica 26

Mula sa mga angkan ni Izar, si Kenanias at ang mga anak niyang lalaki ay naatasang maglingkod sa labas ng templo. Sila ang mga tagapangasiwa at mga hukom sa buong Israel.

1 Chronicles 26:29 (UKJV) Of the Izharites, Chenaniah and his sons were for the outward business over Israel, for officers and judges.

27Inihandog nila ang ibang nasamsam nila sa labanan upang gamitin sa templo ng Panginoon.

28Si Selomit din at ang kanyang mga kamag-anak ang nangalaga sa lahat ng mga inihandog ni Samuel na propeta, ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruias. Ang iba pang mga inihandog ay ipinamahala din nila.

29Mula sa mga angkan ni Izar, si Kenanias at ang mga anak niyang lalaki ay naatasang maglingkod sa labas ng templo. Sila ang mga tagapangasiwa at mga hukom sa buong Israel.

30Mula sa angkan ni Hebron, si Hashabias at ang 1,700 kamag-anak niya na may mga kakayahan. Pinagkatiwalaan sila na mamahala ng mga lupain sa gawing kanluran ng Ilog Jordan. Sila ang nangangasiwa ng mga gawain ng Panginoon at ng hari sa lugar na iyon.

31Si Jerias ang pinuno ng angkan ni Hebron ayon sa talaan ng kanilang mga pamilya. Nang ika-40 taon ng paghahari ni David, siniyasat ang mga talaan, at natuklasan na may angkan si Hebron sa Jazer na sakop ng Gilead, at may mga kakayahan sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.