12Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.
13Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.
14Si Benaias na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.
15Si Heldai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.
16Ito ang mga pinuno ng mga lahi ng Israel: Sa lahi ni Ruben, si Eliezer na anak ni Zicri. Sa lahi ni Simeon, si Sefatias na anak ni Maaca.