1 Mga Cronica 27

Si Jasobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

1 Chronicles 27:2 (UKJV) Over the first course for the first month was Jashobeam the son of Zabdiel: and in his course were twenty and four thousand.

1Ito ang listahan ng mga pinuno, mga kumander, at mga opisyal ng mga Israelita na naglilingkod sa hari bilang tagapangasiwa sa grupo ng mga sundalong naglilingkod ng isang buwan sa bawat taon. Ang bawat grupo ay may dalawampuʼt apat na libong sundalo.

2Si Jasobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

3Mula siya sa angkan ni Peres at pinuno ng lahat ng opisyal ng mga sundalo tuwing unang buwan.

4Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo. Si Miclot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.