2Si Jasobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.
3Mula siya sa angkan ni Peres at pinuno ng lahat ng opisyal ng mga sundalo tuwing unang buwan.
4Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo. Si Miclot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.
5Si Benaias na anak ng paring si Jehoiada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa kanyang grupo.
6Siya ang Benaias na matapang na pinuno ng Tatlumpung matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.