1 Mga Cronica 27

Siya ang Benaias na matapang na pinuno ng Tatlumpung matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

1 Chronicles 27:6 (UKJV) This is that Benaiah, who was mighty among the thirty, and above the thirty: and in his course was Ammizabad his son.

4Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo. Si Miclot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

5Si Benaias na anak ng paring si Jehoiada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa kanyang grupo.

6Siya ang Benaias na matapang na pinuno ng Tatlumpung matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

7Si Asahel na kapatid ni Joab ang kumander ng sundalo sa ikaapat na buwan. Ang anak niyang si Zebadias ang pumalit sa kanya. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

8Si Samhut na mula sa angkan ni Ishar ang kumander sa ikalimang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.