13Tinuruan din niya si Solomon kung paano igugrupo ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng gawain sa paglilingkod sa Templo ng Panginoon, ganoon din ang lahat ng mga gagamitin sa paglilingkod.
14Itinuro rin niya kung gaano karaming pilak at ginto ang gagamitin sa paggawa ng mga gamit na ito:
15ang timbang ng ginto para sa mga ilawang ginto at mga lagayan nito; sa mga ilawang pilak at mga lagayan nito;
16ang timbang ng ginto para sa mga mesang ginto kung saan ilalagay ang tinapay na inihahandog sa Diyos; sa mesang pilak;
17ang timbang ng purong ginto para sa mga malaking gintong tinidor; sa mga mangkok at mga pitsel; sa mga platong ginto at pilak;