1 Mga Cronica 28

Tinuruan din niya si Solomon kung paano igugrupo ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng gawain sa paglilingkod sa Templo ng Panginoon, ganoon din ang lahat ng mga gagamitin sa paglilingkod.

1 Chronicles 28:13 (UKJV) Also for the courses of the priests and the Levites, and for all the work of the service of the house of the LORD, and for all the vessels of service in the house of the LORD.

11Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng Templo at ng mga balkonahe nito, mga gusali, mga bodega, mga silid sa itaas, mga silid sa loob, at ang silid kung saan ang mga kasalanan ay pinapatawad.

12Ibinigay niya ang lahat ng plano na itinuro sa kanya ng Espiritu para sa pagpapatayo ng mga bakuran ng Templo ng Panginoon, sa lahat ng silid sa paligid nito, sa mga bodega ng Templo ng Diyos, kasama na ang mga bodega para sa mga bagay na inihandog.

13Tinuruan din niya si Solomon kung paano igugrupo ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng gawain sa paglilingkod sa Templo ng Panginoon, ganoon din ang lahat ng mga gagamitin sa paglilingkod.

14Itinuro rin niya kung gaano karaming pilak at ginto ang gagamitin sa paggawa ng mga gamit na ito:

15ang timbang ng ginto para sa mga ilawang ginto at mga lagayan nito; sa mga ilawang pilak at mga lagayan nito;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.