1 Mga Cronica 28

Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng Templo at ng mga balkonahe nito, mga gusali, mga bodega, mga silid sa itaas, mga silid sa loob, at ang silid kung saan ang mga kasalanan ay pinapatawad.

1 Chronicles 28:11 (UKJV) Then David gave to Solomon his son the pattern of the porch, and of the houses thereof, and of the treasuries thereof, and of the upper chambers thereof, and of the inner parlours thereof, and of the place of the mercy seat,

9“At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Diyos ng iyong ama nang buong puso mo at isip, dahil nakikita ng Panginoon ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman.

10Kaya pag-isipan mo itong mabuti. Pinili ka ng Panginoon upang ipatayo ang templo upang roon siya sambahin. Magpakatatag ka, at gawin mo ang gawaing ito.”

11Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng Templo at ng mga balkonahe nito, mga gusali, mga bodega, mga silid sa itaas, mga silid sa loob, at ang silid kung saan ang mga kasalanan ay pinapatawad.

12Ibinigay niya ang lahat ng plano na itinuro sa kanya ng Espiritu para sa pagpapatayo ng mga bakuran ng Templo ng Panginoon, sa lahat ng silid sa paligid nito, sa mga bodega ng Templo ng Diyos, kasama na ang mga bodega para sa mga bagay na inihandog.

13Tinuruan din niya si Solomon kung paano igugrupo ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng gawain sa paglilingkod sa Templo ng Panginoon, ganoon din ang lahat ng mga gagamitin sa paglilingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.