7At kung patuloy siyang susunod sa mga utos ko at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon, paghahariin ko ang kanyang angkan magpakailanman.’
8“Kaya ngayon, inuutusan ko kayo sa harap ng lahat ng Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, at sa presensya ng ating Diyos, na maingat nʼyong sundin ang lahat ng utos ng Panginoon na inyong Diyos. Kung gagawin nʼyo ito, patuloy na kayo ang magmamay-ari ng magandang lupaing ito, at ipamamana ninyo ito sa inyong mga angkan magpakailanman.
9“At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Diyos ng iyong ama nang buong puso mo at isip, dahil nakikita ng Panginoon ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman.
10Kaya pag-isipan mo itong mabuti. Pinili ka ng Panginoon upang ipatayo ang templo upang roon siya sambahin. Magpakatatag ka, at gawin mo ang gawaing ito.”
11Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng Templo at ng mga balkonahe nito, mga gusali, mga bodega, mga silid sa itaas, mga silid sa loob, at ang silid kung saan ang mga kasalanan ay pinapatawad.