1 Mga Cronica 28

Ibinigay niya ang lahat ng plano na itinuro sa kanya ng Espiritu para sa pagpapatayo ng mga bakuran ng Templo ng Panginoon, sa lahat ng silid sa paligid nito, sa mga bodega ng Templo ng Diyos, kasama na ang mga bodega para sa mga bagay na inihandog.

1 Chronicles 28:12 (UKJV) And the pattern of all that he had by the spirit, of the courts of the house of the LORD, and of all the chambers round about, of the treasuries of the house of God, and of the treasuries of the dedicated things:

10Kaya pag-isipan mo itong mabuti. Pinili ka ng Panginoon upang ipatayo ang templo upang roon siya sambahin. Magpakatatag ka, at gawin mo ang gawaing ito.”

11Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng Templo at ng mga balkonahe nito, mga gusali, mga bodega, mga silid sa itaas, mga silid sa loob, at ang silid kung saan ang mga kasalanan ay pinapatawad.

12Ibinigay niya ang lahat ng plano na itinuro sa kanya ng Espiritu para sa pagpapatayo ng mga bakuran ng Templo ng Panginoon, sa lahat ng silid sa paligid nito, sa mga bodega ng Templo ng Diyos, kasama na ang mga bodega para sa mga bagay na inihandog.

13Tinuruan din niya si Solomon kung paano igugrupo ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng gawain sa paglilingkod sa Templo ng Panginoon, ganoon din ang lahat ng mga gagamitin sa paglilingkod.

14Itinuro rin niya kung gaano karaming pilak at ginto ang gagamitin sa paggawa ng mga gamit na ito:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.