3Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, ‘Hindi ikaw ang magpapatayo ng bahay para parangalan ang aking pangalan dahil isa kang sundalo at marami kang napatay.’
4“Ngunit sa kabila nito, pinili ako ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, mula sa aming pamilya na maging hari ng Israel magpakailanman. Pinili niya ang lahi ni Juda bilang pinuno ng mga lahi. At mula sa lahing ito, pinili niya ang aking pamilya, at mula sa aking pamilya ikinalugod niya ang pagpili sa akin bilang hari ng buong Israel.
5Binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak na lalaki, at mula sa kanila, pinili niya si Solomon na maghari sa kanyang kaharian, ang Israel.
6Sinabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magpapatayo ng aking bahay, at ng mga bakuran nito. Sapagkat pinili ko siya na maging aking anak, at akoʼy magiging kanyang ama.
7At kung patuloy siyang susunod sa mga utos ko at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon, paghahariin ko ang kanyang angkan magpakailanman.’