1Pagkatapos, sinabi ni Haring David sa lahat ng mamamayan, “Ang anak kong si Solomon na pinili ng Diyos na hahalili sa akin bilang hari ng Israel ay bata pa at wala pang karanasan. Malaki ang gawain na ito, dahil ang ipapatayong gusali ay hindi para sa tao kundi para sa Panginoong Diyos.
2Ginawa ko ang lahat upang maihanda ang mga materyales para sa templo ng aking Diyos gaya ng maraming ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, mamahaling bato na onise, at iba pang mamahaling hiyas at mga batong may ibaʼt ibang kulay, at marami ring marmol.
3At dahil sa kagustuhan kong maitayo ang Templo ng aking Diyos, ibibigay ko pati ang personal kong mga ginto at pilak, bukod pa ang mga materyales na naipon ko para sa banal na Templo.
4Magbibigay ako ng mahigit isandaang toneladang ginto mula sa Ofir, at 250 toneladang pilak. Ito ay gagamiting pantapal sa mga dingding ng Templo,