15Ito ang mga lalaking anak ni Josias: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoiakim, ang ikatlo ay si Zedequias, at ang ikaapat ay si Salum.
16Ang pumalit kay Jehoiakim bilang hari ay si Jeconias na kanyang anak. At ang pumalit kay Jeconias ay si Zedequias na kanyang tiyuhin.
17Ang mga lalaking anak ni Jeconias, ang hari na binihag sa Babilonia ay sina Selatiel,
18Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at si Nedabias.
19Ang mga lalaking anak ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Ang mga lalaking anak ni Zerubabel ay sina Mesulam at Hananias. Ang kapatid nilang babae ay si Selomit.