4Silang anim ay isinilang sa Hebron kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan. Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng tatlumpuʼt tatlong taon.
5At ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon ay sina Simea, Sobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba na anak ni Amiel.
6May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elisama, Elifelet,
7Noga, Nefeg, Jafia,
8Elisama, Eliada at Elifelet.