37at Ziza na anak ni Sifi at apo ni Alon, at apo sa tuhod ni Jedaias. Si Jedaias ay anak ni Simri at apo ni Semaias.
38Sila ang ilan sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang kanilang pamilya
39kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa,
40at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham.
41Ngunit noong panahong si Haring Ezequias ang hari ng Juda, nilusob ang mga Hamita ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit na. Nilusob din nila ang mga Meunim na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa.