6Ang mga anak niyang lalaki kay Naara ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari.
7Ang mga anak naman niya kay Hela ay sina Zeret, Izar, Etnan,
8at Cos. Si Cos ang ama nina Anub at Zobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.
9May isang tao na ang pangalan ay Jabes. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabes dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.”
10Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan upang hindi ako masaktan.” At dininig ng Diyos ang kanyang kahilingan.