1 Mga Cronica 5

Si Ruben ang panganay na anak ni Israel. Ngunit dahil dinungisan niya ang karangalan ng kanyang ama sa pakikipagtalik niya sa isa sa mga asawa nito, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak.

1 Chronicles 5:1 (UKJV) Now the sons of Reuben the firstborn of Israel, (for he was the firstborn; but forasmuch as he defiled his father's bed, his birthright was given unto the sons of Joseph the son of Israel: and the genealogy is not to be reckoned after the birthright.

1Si Ruben ang panganay na anak ni Israel. Ngunit dahil dinungisan niya ang karangalan ng kanyang ama sa pakikipagtalik niya sa isa sa mga asawa nito, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak.

2Kahit mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kanyang mga kapatid at ang pinuno ay nagmula sa kanyang lahi, ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose.

3Ang mga lalaking anak ni Ruben na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Falu, Hezron at Carmi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.