1Si Ruben ang panganay na anak ni Israel. Ngunit dahil dinungisan niya ang karangalan ng kanyang ama sa pakikipagtalik niya sa isa sa mga asawa nito, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak.
2Kahit mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kanyang mga kapatid at ang pinuno ay nagmula sa kanyang lahi, ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose.
3Ang mga lalaking anak ni Ruben na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Falu, Hezron at Carmi.
4Ang mga angkan ni Joel ay sina Semaias, Gog, Simei,