8at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Sema at apo ni Joel. Ang lahi ni Ruben ay tumira mula sa Aroer hanggang sa Nebo at Baal-meon.
9At dahil dumami ang kanilang hayop doon sa Gilead, tumira sila hanggang sa silangan, sa tabi ng ilang na papunta sa Ilog ng Eufrates.
10Nang si Saul pa ang hari, nakipaglaban sila sa mga Hagreo at tinalo nila ang mga ito. Sinakop nila ang mga tinitirhan ng mga Hagrita sa buong silangan ng Gilead.
11Tumira ang lahi ni Gad sa lupain ng Bashan na kasunod ng lupain nina Ruben, hanggang sa Saleca.
12Si Joel ang pinuno sa Bashan, ang sumunod sa kanya ay si Safam, pagkatapos ay sina Janai at Safat.