11Tumira ang lahi ni Gad sa lupain ng Bashan na kasunod ng lupain nina Ruben, hanggang sa Saleca.
12Si Joel ang pinuno sa Bashan, ang sumunod sa kanya ay si Safam, pagkatapos ay sina Janai at Safat.
13Ang kanilang mga kamag-anak ayon sa bawat pamilya ay sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Heber, pito silang lahat.
14Sila ang mga angkan ni Abihail na anak ni Huri. Si Huri ang anak ni Jaroa at apo ni Gilead, at apo sa tuhod ni Micael. Si Micael ay anak ni Jesisai at apo ni Jahdo, at apo sa tuhod ni Buz.
15Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang siyang pinuno ng kanilang pamilya.